“Squammy be like'”

NA-BASH nang husto ang isa umanong university athlete na ikinalat ang kanyang pinagkainan at mga sawsawan sa isang paresan sa Biñan, Laguna kamakailan.


Sa viral TikTok video, makikita ang isang umano’ uh miyembro ng LGBTQIA+ plus community na iniwan na nga sa mesa ang balat ng itlog ay ikinalat pa sa mesa ang sawsawan, tubig at toyo.


Tumatawa naman ang mga kasama niya at hinahamon pa siya na lalong dumihan ang mesa.


Nagngitngit ang mga netizens na nakapanood ng video na in-upload ng isang Pauleen Diaz.


“Mga pa cool kids pero salot sa lipunan.
“Yan po yung mga kabataan na pag asa ng bayan.”
“Hirap pag online, ‘di mo mataga.”
“Ang aasim niyo.”
“Ako na nabother dun sa mga tropa nyang tuwang tuwa pa sa kasalaulaan ng tropa nila. Tss..”
“Pasensyahan nalang pag nag kita tayo boss.”
“Squatter be like.”
Napag-alaman na dating player ng National University volleyball team na D’Navigators ang bida sa video.