Calamba City cleanest air sa Pinas

MAPALAD ang mga taga-Calamba City sa Laguna dahil sila ang may pinakamalinis na hangin sa buong bansa, ayon sa Swiss air-monitoring company IQAir’s 2023 World Air Quality Report.

Ayon sa pag-aaral, nasa ika-anim na pwesto ang syudad sa buong Southeast Asia na least polluted.

Hindi rin pahuhuli ang Carmona, Cavite at Balanga City sa Bataan na pasok din sa listahan na may malinis at ligtas na hangin.