Delivery rider niregaluhan ni Viy ng kotse: ‘Will ‘yan ni Lord’

HINDI makapaniwala ang delivery rider na si Erickson sa ibinigay sa kanya ng social media personality at business owner na si Viy Cortez: isang brand-new car!

Sa kanyang vlog, sinabi ni Viy na gusto niyang maging tulay para matupad ang pangarap ng ibang tao.

Ayon kay Viy, napansin niya si Erickson nang mag-deliver ito ng pagkain sa isang car dealership.

Nilapitan niya ito at kinausap. Maya-maya pa ay binanggit na ni Viy ang magandang balita.

“Bakit ako ma’am?” tanong ng delivery rider.

“Will yan ni Lord, kuya. Di ko din alam pano mamimili (ng pagbibigyan ng sasakyan). Pero tignan mo naman ang tadhana,” ayon sa CEO ng Viyline Cosmetics.