3 todas sa karambola ng 8 sasakyan

TATLO ang nasawi at 17 ang sugatan nang salpukin ng bus ang ilang sasakyan sa Commonwealth Ave. sa Quezon City nitong Lunes ng gabi.


Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga biktima na sakay ng nasabing bus, UV Express, taxi at limang motorsiklo.


Ayon sa ulat, binabagtas ng bus ang tinaguriang “killer highway” nang magkaproblema umano ang preno nito.


Ayon sa driver ng bus, galing sila ng fairlane nang umusli ang isang at kumalang sa kanyang preno.


Nakakulong na sa QC Police District Traffic Sector 5 ang driver.


Samantala, isang bus ang bumangga sa mga concrete barriers sa northbound lane ng Edsa sa Santolan, QC alas-5 ng umaga ngayong Martes.


Ayon sa driver ng bus, galing sila ng Camarines Norte at papuntang terminal sa Cubao nang bumangga sa barrier bago umakyat ng Santolan flyover.