Pulis ni-raid ‘factory’ ng land titles; sinabuyan ng asido

NALAPNOS ang balat ng dalawang pulis nang sabuyan ng asido sa ni-raid nilang pagawaan ng pekeng titulo ng lupa sa Santa Cruz, Maynila.


Nasa maayos na kalagayan na ang mga pulis makaraang gamutin sa ospital.


Dalawang suspek ang nadakip habang tinutugis ang iba pa, ani Police Maj. Gen. Romeo Caramat Jr, PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) director.


Ayon kay Caramat, sinalakay ang “factory” makaraan ang isinagawang entrapment operation.


Sinabuyan ng isa sa mga suspek ang mga pulis habang ang iba ay nambato ng bote.


Isinagawa ang operasyon bunsod ng mga reklamo ukol sa mga pekeng titulo sa nabiling lupa.