Gilas Pilipinas binigo ng Dominican Republic

NAGPAKITANG gilas man ang Pilipinas sa opening game laban sa Dominican Republic, Biyernes, kinapos naman ito para ipanalo ang laban, 87-81.

Nasungkit ng Dominican Republic sa pangunguna ng NBA player na si Karl-Anthony Towns, na nagpakita ng kanyang opensa para maitawid an laban kontra Pinas na pinangunahan naman ng kapwa NBA star na si Jordan Clarkson.

Sa huling quarter ng laro, hindi pinalad ang Pinas nang ma-foul out ang pambato nitong si Clarkson na nagtala naman ng 28 points.

Sa Linggo ang susunod na laban ng Gilas kontra Angola sa Smart Araneta Coliseum, alas-8 ng gabi.