WATCH: Iza Calzado, Jane De Leon bilang ‘Darna’

OPISYAL na inilabas ng ABS-CBN ang trailer ng matagal nang inaabangang na action drama na “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” nitong Huwebes. 

Sa trailer, ipinakilala ang pagganap ni Iza Calzado at Jane De Leon ang kani-kanilang bersyon sa pagganap ng Pinoy superhero na si Darna.

Gagampanan ni Calzado ang titulong “unang Darna” at ina ni De Leon, na pagpapasahan niya ng mahiwagang bato.

Ipinakikita rin sa trailer ang journey ni Narda (De Leon) at ang pag-iwas niya sa pagganap ng mabigat na tungkulin.

Unang in-upload ng ABS-CBN ang full trailer sa YouTube nitong Huwebes, Hulyo 7, 2022.

Panoorin ang trailer dito:

https://youtu.be/WxckpnBPZLUGAL