Granada sumabog sa Davao Sur; bata patay, 1 pa sugatan

PATAY ang 7-anyos ng batang lalaki habang sugatan naman ang 5-anyos niyang kapatid matapos sumabog ang granada na kanilang pinaglalaruan Huwebes ng hapon sa Malalag, Davao del Sur.

Dead on the spot ang biktimang si Christian Jay Gaspas nang sumabog ang granada alas-11:05 ng umaga sa Purok-6, Sitio Buongan, barangay Rizal. Isinugod naman sa ospital ang kapatid niyang si Kent Gaspar.

Nakita umano ang magkapatid na naglalaro ng pampasabog malapit sa isang puntod.