Kim nagkapasa-pasa sa birthday production number

IBINIDA ni actress-host Kim Chiu ang mga pasa na tinamo sa buwis-buhay na production number para sa kanyang kaarawan na ginanap sa “It’s Showtime” nitong Sabado.

Shinare ni Kim sa Instagram ang photo ng kanyang binti. Aniya sa caption: “After prob battle scars be like.
All worth it after all thank you itsshowtimena fam.”

Kasama niya sa production number ang ate niyang si Lakam at sina Bela Padilla at Kaladkaren.