Toni Gonzaga: Mahirap magpakatotoo sa PBB House

INAMIN ni actress/host Toni Gonzaga na isa sa pinakamahirap gawin sa loob ng PBB house ay ang magkapatotoo.

Chika ni Toni, nakakatakot ang magpakatotoo sa loob ng ‘Bahay ni Kuya’ dahil naroroon na ma-judge sila umano ng publiko.

“Being true to myself and being vulnerable. Because sometimes, being true to yourself is scary, because you know that you will be judged by people and what other people would think of you,” pahayag ni Toni.

Bukod sa mga task ni big brother, para kay Toni, higit na mahirap ang maipakita ang totoong sarili.

“The hardest thing that a housemate could ever go through and experience inside the house of Kuya isa being the truest, most authentic of themselves,” pahayag ng PBB host.

Noong 2018, ay naging celebrity guest housemate siya sa Pinoy Big Brother: Celebrity Edition 2.

Ilang beses na rin na-bash si Toni sa mga statement na napapakawalan niya sa nasabing programa.