Taga-ABS nagpatutsada kay Bea: Nagastos sa taping bayaran mo

NAGPAHAGING sa social media ang dalawang taga-ABS-CBN Creatives sa aktres na si Bea Alonzo dahil sa umano’y ginawa nitong pambibitin sa isang proyekto ng Channel 2 nang lumipat ito sa GMA-7.


Hindi man binanggit ang pangalan, marami ang nagsabi na si Bea ang tinutukoy ng mga screenwriters na sina Henry King Quitain at Pao Flores.


Hirit ni Quitain sa Twitter: “Pag may iniwan kang project at gumastos na ang kumpanya ng milyon. Sana bayaran mo na lang yung nagastos. Anyway, siguro naman kikitain mo lahat yan. Kasi naghihikahos na nga kami, hindi naman biro yung itatapon na lang na pera ng kumpanya kasi iniwan mo na lang basta.”


Sabi naman ni Flores: “Promised myself I won’t speak about this anymore, but I really didn’t think about this so one last time: It’s the principle of leaving things hanging thats the problem, but if you factor in the money invested by the network that’s wasted especially at this time, it’s morally problematic.”


Matatandaang, kinastigo rin ng Kapamilya director na si Erick Salud ang isang “unnamed actress” sa ginawa nitong pagtalon sa Kapuso network.


“So ayun nga. Lumipat nga ang isang aktres. Bakit kaya? Eh may project siya na nasimulan at na promote na prior pandemic. Talos say niya, di pa siya ready mag shooting. Ayun pala lilipat. AAAARTE!!! Naghihirap ba siya? Eh may big farm nga. Kaloka siya!!!” sabi niya. –A. Mae Rodriguez