Suicide attempts ni Tom ikinaloka ni Lolit Solis

NAWINDANG ang veteran showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis sa dami ng mga isyu na ibinabato sa aktor na si Tom Rodriguez.

Sa Instagram, sinabi ni Lolit na dapat ipaliwanag ni Tom ang mga akusasyon sa kanya ng estranged wife nito na si Carla Abellana.

“Parang sobra yata sa twist ang buhay ni Tom Rodriguez. Iyon mga lumalabas na issue ngayon parang napakagulo ng mental situation niya. Hindi mo alam kung ano ba iyon sinasabi ni Carla Abellana na dapat magpatingin sa doktor si Tom,” aniya.

Idinagdag ni Lolit na hindi siya makapaniwala na magagawa ng aktor ang mga ibinibintang ni Carla.

“Iyon 11 times na raw nag try mag commit ng suicide, iyon may mga times na sinasaktan pa siya physically ni Carla, grabe iyon mga issue na lumalabas ha kung totoo ‘yun. Hindi mo aakalain na meron pala ganitong mga bagay na nangyayari dahil Ok naman si Tom tuwing nakikita mo sa public,”
paliwanag niya.

“Naloloka” rin umano si Lolit sa chika na na-scam si Tom ng mahigit P20 milyon.

“Kaloka na nag suicide attempt na pala ito, at lalong kaloka na na budol siya ng 20M. Bakit nangyayari ito sa buhay ni Tom Rodriguez? Bakit kung kelan siya nag asawa saka lumabas ang mga ganitong issues ? Wow!” sey ng showbiz columnist.

“Ang hirap siguro ng ginawa nilang pagtatago nuon para maging sikreto ang mga bagay na lumalabas ngayon. Kundi pa naging public ang paghihiwalay nila ni Carla baka hangga ngayon nakatago parin ang mga pangyayaring ito. So sad na nawalan ka ng 20M pero mas sad siguro na pati asawa mo makipag hiwalay sa iyo. Sadder pa na ngayon public na lahat ng gusto mo sanang sekreto ng buhay mo. Triple whammy talaga ang case ni Tom Rodriguez,” dagdag niya.