Reception ng na-scam na couple sasagutin ni Neri Miranda

NAAWA ang dating aktres na si Neri Naig-Miranda sa bride na humagulgol matapos malaman na walang magaganap na reception sa kasal nito kaya naman sasagutin na niya ang handaan para sa mag-asawa.

“Bilang naging bride din ako, ang pinakaayaw natin ay mastress sa mismong kasal natin. Kahit lahat ng tao sa paligid natin, di tayo dapat binibigyan ng stress,” post ni Neri sa kanyang Facebook page.

“Kung sino po ang nakakakilala sa bride, pakisabi po, message po ako. Kami na bahala sa reception niya. Malapit lang naman ang Jeju Samgyupsal sa lugar nila. Dun na natin ganapin ang reception nyo. Since mahigpit po ang dine in pa rin, mga 20 pax po ang kakasya sa Jeju Samgyupsal Resto po namin sa Cebu.

“Sagot na rin po namin ang cake, may emcee ka na rin po para may program po ang reception nyo. May pabaon kaming TERRA accessories VERY NERI beddings VERY NERI Sleepwear gift from Saturday Dress para sa bride.

“Wala kayong gagastusin mag-asawa. Kami na bahala. May pa-pocket money kami sa inyo kahit papaano. Wag ka nang umiyak. Kami na bahala sa inyo.

“Pahabol pala! Nagmessage sa akin ang may ari ng Skin Magical at Teatalk na si Ate Ghie Pangilinan sagot na raw nya ang tokens para sa mga guests at magbibigay din siya ng cash para sa newlyweds,” ani Neri.

Inaalam pa ng PUBLIKO kung nag-respond na ang bride na si Cherry Pie Purisima sa mensahe ni Neri.