Rabiya pang-Hollywood na ang beauty



MALAKI ang posibilidad na pang-Hollywood ang unang pelikula ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.


Ayon sa beauty queen, nag-usap sila ng direktor na si Cyrus Nowrasteh na planong mag-shoot ng pelikula sa bansa.


Pinaplantsa na rin ani Rabiya ang kanyang magiging papel sa pelikula.


“They’re planning to shoot something here in the Philippines and they’re looking for a woman to play the lead role,” chika niya.


“They laid out the storyline as well as a possible role for me, but nothing is for sure. But hopefully, we never know, my first movie could be a Hollywood movie,” dagdag ni Rabiya.


Kumalat online kamakailan ang photo na magkasama sina Rabiya at Nowrasteh, na unang inakala ng marami ay ang kanyang Indian dad.


Si Nowrasteh ang direktor ng mga pelikulang “The Infidel” at “The Young Messiah.” –A. Mae Rodriguez