Rabiya, BF break na talaga?

MULING nabuhay ang mga haka-haka na hiwalay na si Rabiya Mateo at ang boyfriend niyang si Neil Salvacion makaraan nilang i-unfollow ang isa’t-isa sa Instagram.


Kamakailan lang ay isiniwalat ni Mateo na komplikado ang relationship nila ni Salvacion.


Bago iyon ay binura ni Salvacion ang mga pictures ng beauty queen sa kanyang IG account.


Kanya-kanyang teorya naman ang mga netizens sa kung ano ang “real score” sa magkasintahan.


“Okay na din. Dumadagdag pa siya (Salvacion) ng stress kay Rabiya. Puro selos amp,” komento ng isa.


“Bakit kaya pagkatapos ng pageant naghihiwalay cla (beauty queens and their boyfriends)…yun lng napansin ko,” sey ng isa pa. –A. Mae Rodriguez