Planner ni Jovit isinapubliko ng GF

INIHAYAG ni Camille Ann Miguel na isa sa mga pinanghihinayangan niya sa pagyao ng fiance na si Jovit Baldivino ay hindi niya ito makakasama sa hinaharap.

Ngayong Linggo ay isinapubliko ni Camille ang planner na ipinasadya niya para kay Jovit kung saan, aniya, isusulat sana ng huli ang kanilang mga plano para sa darating na 2023.

Pero ngayon na wala na si Jovit, sinabi ni Camille na parang walang saysay nang magplano para sa hinaharap.

“How can i start this planner without you, My Love Jovit Lasin Baldivino?” aniya.

“Nagpagawa pa ko ng planner para ma-plan ng maayos ang 2023 naten dalawa, pano ko plaplanuhin ngayon ng mag isa na lang?” dagdag ni Camille.