Croatia naka bronze sa Fifa World Cup; pinadapa Morocco

TINALO ng Croatia ang Morocco para sa ikatlong pwesto ng 2022 FIFA World Cup sa laro nitong Sabado.

Naiuwi ng Croatia ang bronze matapos ang 2-1 iskor.

Ito ang ikalawang pagkakataon na masungkit ng Croatia ang bronze medal sa World Cup. Una nila itong nakuha noong 2018 laban sa France.

Ngayong araw naman magtatapat sa championship ang Argentina at ang France.