Paolo sabik makita ang anak, nakipag-usap sa abogado ni LJ

SA kagustuhang makapiling ang anak na si Summer, nakikipag-usap na umano si Paolo Contis sa lawyer ng US-based na ex-girlfriend niyang si LJ Reyes.

Sa isang panayam, inamin ni Paolo na marami siyang pagkakamali kay LJ pero idinagdag niya na maraming dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

“Para sa akin, I think it’s too personal. Maraming factors kung bakit napunta doon sa state ng naghiwalay kami. But I admit that I have made mistakes. Marami pang hindi alam ang tao about the whole picture,” paliwanag ni Paolo.

Inamin din ng aktor na mula nang maghiwalay sila ni LJ at magpunta ang aktres kasama si Summer at isa pang anak na si Aki sa US noong 2021 ay hindi na niya nakita ang anak kaya gusto na niya itong makapiling.

“I’m waiting for the right time and the go-signal that I can. But I am trying. I am trying to contact her through her lawyer,” sey ni Paolo.