Napanood mo na ‘to: Sharon di pinapasok sa Hermes, namakyaw sa LV

FOR sure maire-relate mo sa one of the favorite romantic films na Pretty Woman ang naging sitwasyon ng megastar na si Sharon Cuneta nang mamili ito sa mamahalin at branded na shop sa South Korea lately.

Hindi kasi pinapasok si Sharon sa Hermes store nang tangkain nitong mamili rito.

Sa pinto pa lang ay hinarang na siya ng doorman ng Hermes sa Seoul at bibili raw siya ng sinturon dito.

“Gusto kong bumili ng sinturon sa Hermes, ayaw ako papasukin,” natatawang reklamo ni Sharon sa kanyang TikTok.

Pero imbes na mainis, sa Louis Vuitton nag-shopping ang Megastar.

At makaraang mamili, binigyan siya ng flowers at champagne ng staff ng LV.

Habang bitbit ng mga kasamahan at ng LV store assistant ang mga napamili, dumaan si Sharon sa Hermes at kinawayan ang doorman na hindi nagpapasok sa kanya.