Nadine naimbyerna, naiyak sa hit-and-run sa lola

NAGNGINGITNGIT sa galit ang aktres na si Nadine Lustre sa insidente ng hit-and-run sa Parañaque na malubhang ikinasugat ng matandang street sweeper.

Ipinost ni Nadine sa Twitter ang video ng insidente pero agad din niyang binura.

“Our justice system is so flawed we don’t even know if this issue will be handled accordingly. Naiiyak talaga ako para kay lola at sa pamilya niya,” caption ng aktres sa post.

Sa viral video, makikita si Doreen Bacus, 63 ng Brgy. Sucat na nabundol at nagulungan ng sasakyan sa Aguirre Ave., Brgy. BF Homes nitong Sabado. Agad na tumakas ang driver.

“Di ko ma-explain yung galit ko…Not buying the whole ‘unaware’ bs. Mararamdaman mo naman siguro kung may nabangga ka,” pahayag ni Nadine.