Presyo ng langis may bawas presyo muli

TULOY ang bawas presyo bukas sa presyo ng produkto ng petrolyo kung saan aabot sa P1.25 kada litro ang ibababa sa diesel.

Samantala, aabot naman ang tapyas sa presyo ng gasolina sa P1.65 kada litro at P1.35 kada litro naman ang bawas sa kerosene.

Ayon sa mga eksperto, magpapatuloy ang pagbaba sa harap naman ng pinangangambahang recession sa buong mundo.