Michelle ‘babaeng-babae’ sa bagong jowa

HINDI inaasahan ni Michelle Madrigal na muli siyang papasok sa isang relasyon matapos ang divorce sa kanyang ex-husband na si dating football player Troy Woolfolk.

Nauna niyang sinabi na plano niya munang maging single, pero happy naman siya sa estado ng relasyon niya ngayon.

“God answers prayer according to His perfect will, in His perfect timing,” sabi ni Michelle 

“This was definitely not in my plan. I wanted to be single for as long as I could…. But boyyyyy I’m so glad it happened,” dagdag niya.

“It’s so freeing to feel like a lady again. Not having to be in a fight or flight mode all the time. It feels like home,” pahayag pa ng US-based actress.