Kapwa artista, fans nanlumo sa lagay ni Kris

BINAHA ng mensahe ng suporta at panalangin si Kris Aquino makaraan niyang isiwalat na tinamaan siya at mga anak na sina Josh at Bimby ng COVID-19.

Kasalukuyang nagpapagamot sa isang ospital sa Texas, USA si Kris para sa kanyang eosinophilic granulomatosis with polyangiitis (EGPA) at autoimmune disease na chronic spontaneous urticaria.

Kabilang sa mga celebrities na pinalalakas ang loob ng actress-TV host ay sina Angel Locsin, Angeline Quinto, Erik Santos, Darla, at Chef JP Anglo.

Sa kanyang post sa IG, sinabi ni Kris na unang nagpositibo ang panganay niyang si Josh. Makaraan ang ilang araw ay nagpositibo na rin silang dalawa ni Bimby.

Lalo namang nalungkot ang mga kaibigan at fans sa sinabi nitong kailangan niyang magpaalam nang maayos dahil marami ang nagdadasal para sa kanyang paggaling.

“I need to say goodbye properly because so many have reached out to me, prayed for me and my sons and regardless of their political affiliation they have prayed for me to get better,” aniya.