Kahit pinagsasabong ng netizens, Ruffa binati birthday girl na si Kaladkaren

BINATI ng actress-beauty queen na si Ruffa Gutierrez ang TV personality na si Kaladkaren sa kaarawan nito sa gitna ng ginagawang pang-iintriga aa kanila ng netizens.

“Belated happy birthday to the super gorgeous, fun and enthusiastic @jervijervi Stay in love!!” tweet ni Ruffa.

Nitong Miyerkules ay tila kinontra ni KaladKaren ang komento ni Ruffa sa Beklamation round ng Miss Q&A sa It’s Showtime.

Magkaiba ang pananaw nina Kalad at Ruffa sa tanong na “Bakit walang napapabalitang umasensong langgam sa kabila ng pagiging masipag ng mga ito?”

Hirit ng daily winner, ang pag-asenso ng langgam ay nakasalalay sa disiplina habang unity naman para sa reigning queen.

Ani Ruffa: “Unity talaga ang kailangan natin ngayon, especially ‘yung mga tao nag-aaway-away, lagi nagba-bash-bash.”

“Yung mga langgam parang mga tao… kahit gaano silang kahirap nagtatrabaho, hindi sila umaasenso because of bad system, because of so many things na mga social issues na nao-oppress sila,” hirit naman ni Kaladkaren.