Joshua Garcia nagbabala vs fake FB account

NAGBABALA si actor Joshua Garcia sa publiko laban sa pekeng Facebook account na ginagamit siya para sa pagpopost ng mga maling balita.

Paglilinaw ni Joshua, wala siyang Facebook account.

Gamit ang umano’y account, pinost ang picture nila kasama ang aktres na si Ria Atayde ngunit hindi kita ang mukha ng kapatid ni Arjo.

May caption ang photo na: “Ikaw ang aking liwanag.”

“Hello! This is not mine! I don’t have a Facebook Page! Thank you,” chika ni Joshua.

Natawa na lamang si Ria sa post na ito.

“Liwanag?! Bakit? Hahaha. So funny but also, another reminder to always check your sources. Hahahaha,” chika niya sa Instagram story.

Matatandaang nagkakasama ang dalawa kasama ang couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.