Sinopharm, Sputnik Light OK na bilang booster

INIHAYAG ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na maaari nang gamiting
booster ang Sinopharm at Sputnik Light.

Sinabi ni Vergeire na hindi lamang maaaring gamitin ang dalawang bakuna sa mga
buntis at mga nagpapabreast feed.

Idinagdag ni Vergeire na maaari namang gamiting booster ang AstraZeneca, Moderna at Pfizer para sa mga nakatanggap ng bakuna mula sa Sinopharm vaccine.