Jimmy Bondoc nasunugan; ‘Wag kayong mag-donate sa akin’

IBINALITA ng singer at dating vice-president for community relations ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na si Jimmy Bondoc na nasunog ang kanyang studio nitong Lunes.

Ani Bondoc, umabot sa P1 milyon ang halaga ng mga napinsala sa sunog.

Maraming mga fans niya ang gustong mag-donate para muling mapaayos ang nasunog na bahagi ng kanyang bahay pero tinanggihan ni Bondoc ang tulong.

“Ang dami tuloy gusto tumulong. Wag niyo sana isipin na nagpapaka ‘banal’ ako.
Pero yung gamit, kakayod na lang ako para mabawi,” aniya.

Imbes, dagdag niya, ibigay na lang sa mga kaibigan niyang sina Bruce Rivera at Jamie Jem ang donasyon.

“May I earnestly ask instead na mag donate po kayo sa dalawang kaibigan ko: (1) Atty. BRUCE RIVERA He is now in a coma, and is in medical debt of about 1 Million as well.
Gcash: 0966 722 9364 (2) JAMIE JEM (Jemelee Tańedo) Musician, Cancer patient, undergoing financially challenging medical treatment. Gcash: 0917 154 0721,” ani Bondoc.

“Sa mga mayayaman, wag kayo mahiya kahit tig 50k pa ibigay niyo :)) I will make sure to thank you on some platform. Sa mga karaniwang tao like me, kahit ilang daan o libo, it all matters,” dagdag niya.

“Masakit po mawalan ng gamit, I do not deny it. Please help me to help others who stand to lose much more. I love you all,” sabi pa ng singer.