Janella umamin: I’m a single mom

KINUMPIRMA ni Janella Salvador na nagkahiwalay na sila ng boyfriend na si Markus Paterson makaraan niyang mag-open up tungkol sa pagiging single mom sa kanilang anak na si Jude.

Sinabi ni Janella na relate siya sa kanyang character na Regina sa TV series na “Darna.”

“Relate ako kasi si Regina ‘pag meron siyang ipinaglalaban. As long as alam niyang nasa tama siya, ilalaban niya talaga. Ganoon ako as a person as long as wala akong natatapakan kasi I like learning, I like challenging myself,” chika niya.

Nang tanungin si Janella kung ano ang ipinaglalaban niya sa totoong buhay, ang kanyang sagot: “Being a single mom — talagang nilalaban ko ‘yon.”

“At the end of the day, alam kong kaya ko naman siya. As much as I love the people around me who are always there to help me, I always want to know na kaya kong gawin. I can rely on myself na hindi ko kailangang humingi ng tulong sa iba,” dagdag niya.