Leni sa kritiko: Ako, dumb?

RUMESBAK si dating Vice President Leni Robredo sa mga trolls na tinatawag siyang “Madumb,” “bobo,” at “lutang.”

Sa isang event sa Pampanga, tila inurot-urot ng Angat Buhay Foundation chair ang mga trolls kaugnay sa kanyang bagong achievement bilang Hauser Leader sa Harvard Kennedy School.
“Ano yung gagawin ko sa Harvard? Hinihintay ko nga kung ano sasabihin ng trolls e,” aniya.

“Yung pinaka-narrative nila sa akin bobo ako, ‘di ba? Bobo ako, lutang, Madumb…Pero sabi ko nga, talaga ang Diyos, ‘yung Diyos talaga marunong. Yung mga dumarating sa akin, parang hindi ko naman sino-solicit,” dagdag niya.

“Nung nagsabi nang nagsabi ng ‘Madumb,’ binigyan ako ng Ateneo ng honorary degree. Tingin ninyo ang Ateneo magbibigay sa isang lutang at bobo? Di naman siguro… Tapos ngayon, hindi lang Ateneo kundi Harvard. Hindi naman sa pagyayabang pero parang ang feeling ko sagot iyon ng Diyos para sa kanila,” hirit pa ni Robredo.