Hospital bills ni Lolit binayaran ni Bong Revilla

SOBRANG na-touch ang veteran show biz writer-talent manager na si Lolit Solis sa pag-aalaga sa kanya ni Sen. Bong Revilla.

Sa Instagram, isiniwalat ni Lolit na binayaran ng senador ang kanyang bill sa ospital.

Kaya naman, aniya, “talagang I will take a bullet for Bong Revilla.”

“Nakita ko sa kanya iyon sincere na concern sa kalagayan ko. Iyon talagang kung meron lang siyang magagawa para gumaling ako gagawin niya talaga,” sey ni Lolit.

“Naloka ako ng babayaran ko na ang hospital bill ko at malaman bayad na lahat. Iyon pala kinausap niya ang hospital to give me all I need at bahala siya sa gastos. Hindi iyon pagbabayad niya ng hospital bills ko ang naka touched sa akin, iyon pagsasabi niya na don’t leave anything out to give me kung ano ang dapat para gumaling ako,” dagdag ng veteran entertainment writer.

Aniya dahil sa gesture na ito ng senador ay ipaglalaban niya ito.

“I will really take a bullet for Bong Revilla anytime, dahil alam ko na hindi sayang ang pagmamahal ko sa kanya, na anuman ang ibigay ko kaya niyang tapatan din at tutoo na love begets love. Marunong siyang magmahal, kaya dapat din siyang mahalin. I love you Bong, thank you,” sabi pa ni Lolit.