Francine walang planong sumali sa beauty pageants

DEDMA ang young actress na si Francine Diaz sa mga kumukumbinsi sa kanya na lumahok sa Miss Universe Philippines.

Aniya, hindi niya nakikita ang sarili bilang isang beauty queen.

“I have no plans at all. Alam ko naman po na hindi ako para doon,” chika ni Francine.

“I think meron naman tayong Miss Universe in the making. Tingnan natin kung sino ‘yun,” dagdag niya.

Marami ang nag-udyok na sumali ang ka-love team ni Seth Fedelin sa beauty pageants dahil hindi lang ito maganda, magaling pa itong sumagot sa mga tanong, gaya ng mga ipinukol sa kanya ng host sa nakaraang Watsons Health Expo 2024.