Ex-lover ni Francis M lumutang: Me and my daughter exist, mahal niya kami

NAWINDANG ang publiko ang paglutang ng isang nagpakilalang flight attendant na umano’y ex-girlfriend ng namayapang rapper-TV host-actor.

Sa viral vlog, nagpunta si Abegail Rait at anak na si Gail Francesca sa “Pinoy Pawnstars” ni Boss Toyo upang ipagbili ang isang jersey at ilan pang signed messages sa kanya ng Master Rapper.

Nang tanungin kung paano niya nakuha ang mga ito, isiniwalat ni Abegail na naging karelasyon niya si Francis ilang panahon bago ito namatay.

“Nagkaanak kami… Nagkaanak and that’s her (Gail Francesca),” ani Abegail.

“For 15 years nanahimik ako, I didn’t say anything about me and my daughter. Siguro naman ito na lang ’yung karapatan na pwede kong magawa para sa kanya. Kasi hindi naman ako nagsalita. I know people will judge me but we exist, what we had is real. Me and my daughter exist. Mahal niya kami, and that’s a fact,” dagdag niya.