David dadayo ng Australia para kay Taylor

MAGTUTUNGO si David Licauco sa Australia ngayong linggo para manood ng concert ni Taylor Swift.

Sa isang panayam, inamin ni David na isa siyang “Swiftie” kahit noong bata pa at napanood na rin niya nang live si Taylor nang mag-concert ito sa Araneta Coliseum noong 2014.

“I’ll be watching Taylor Swift’s concert! You may not know, I’m a big, huge Taylor Swift fan. Swiftie ako e,” sabi niya.

“Nag-iba na mga songs niya [pero] until now fan pa rin ako,” dagdag ng Kapuso actor.

Inihayag ni David na dapat ay sa Singapore siya manonood ng “Eras Tour” ng Grammy Award-winning singer pero naubusan siya ng ticket.