Aga open sa gay roles

SAKALING mayroong mag-alok sa kanya ng gay roles sa pelikula ay hindi tatanggihan ni Aga Muhlach.

Ayon kay Aga, matagal na niyang pangarap na pumapel na isang bading.

“Nasa Star Cinema pa lang ako pinipilit ko na ‘yung ganitong project, sinabi ko na siya dati pa kila [dating Star Cinema head] Tita Malou [Santos],” paliwanag ni Aga.

Inihayag ng dating matinee idol na isa ito sa hindi pa niya nagagampanan na role sa mahigit apat na dekada niya sa show biz.

“This is one of the roles, I haven’t done and I’ve been wanting to do, but then sabi nga natin, let’s see for the right time kasi marami ng stories about d’yan,” sey ni Aga.