D.O ng EXO may pasabog

Solo debut album ni D.O. ng EXO lalabas na.

Inaabangan na ng mga fans ng Korean pop group na EXO ang nalalapit na release ng kauna-unahang solo album ng isa sa mga miyembro nito na si D.O

Siyam na taon simula nang mai-launch siya kasama ang grupo, ngayon lang magkakaron si D.O ng sarili niyang album, at ito nga ay ilalabas sa Hulyo 26.

Kahapon inilabas ng EXO ang black and white teaser ng album na kumukumpirma sa nalalapit na launching nito.

At ayon sa report ng KpopStarz, may title ang album na “Empathy” na binubuo ng walong track kasama ang anim na bagong kanta at bonus track na tiyak kababaliwan ng maraming fans ng EXO member.

Kalalabas lang ni D.O. mula sa mandatory military service noong Enero at sumali sa recent comeback ng grupo nitong Hunyo 7 kung saan inilabas nila ang special album na “Don’t Fight the Feeling.”