Crush na si Dingdong kukuning endorser ni Rosmar

PLANONG kunin ni Rosmar Tan, ang kontrobersyal na CEO ng Rosmar Skin Essentials, si Dingdong Dantes, ang kanyanf childhood crush.

Sa isang panayam, sinabi ni Rosmar na hindi siya naniniwala sa pagkuha ng mga sikat na personalidad para i-push ang kanyang produkto.

Pero kung sakaling dumating ang pagkakataon na kailangan na niyang kumuha ng endorser, ang mister ni Marian Rivera ang pipiliin niya.

“Kung tatanungin ako, siyempre, ang childhood crush ko na si Dingdong Dantes,” aniya.

Kuwento ni Rosmar, una niyang nakita si Dingdong noong apat na taong gulang pa lang siya.

“Sa mall sa Lucena, binuhat po niya ako, bata pa po kasi ako noon. Binigyan po niya ako ng panyo,” dagdag ng businesswoman.