Cristy ginawan ng isyu shades ni Daniel: ‘Insecure ka!’

PININTASAN, pinuna at inokray ng veteran show biz columnist na si Cristy Fermin ang pagsusuot ng shades ni Daniel Padilla sa kasal ni Robi Domingo.

Sa kanyang “Cristy Ferminute” show sa YouTube, sinabi ni Cristy na mas pinag-usapan ang sunglasses at ang damit ni DJ kesal sa mga ikinanasal na sina Robi at Maiqui Pineda.

“Yung suot na damit, ang lahat nag-abala pero siya talaga, parang ‘wala lang’. Mukha siyang tomboy ano,” ani Cristy “Hindi niya maalis-alis ‘yang dark glasses na ‘yan eh maganda naman ang mata niya,” dagdag pa ng kolumnista.

Sa latest ng episode ng “Showbiz Now Na,” hindi rin niya tinantanan ang shades ng aktor.

“Ang dami pong nakapansin, pati ba naman sa kasalan naka-shades ka pa rin? Ano nga ba ang hiwaga sa likod ng kanyang shades?” hirit ni Cristy. “Insecure ka. Mayroong kulang sa’yo parang ganun,” dagdag niya.

Hanash pa niya: “Madaling intindihin ang isang batang paslit na natatakot sa dilim. Pero kapag ang isang tao ay nasa wastong edad na at parang natatakot sa liwanag, mas nakakatakot ‘yun ‘di ba?

“Wala pong masama sa pagsusuot ng shades pero ang pinakapartikular na tao lang na pinapayagan natin, si Randy Santiago, dahil mayroon siya talagang itinatago sa kanyang mga mata, eh si Daniel mayroon ba?” sey pa ni Cristy.