Cristy Fermin tinuluyan ng ina ni Sarah Lahbati; 2 co-host dawit sa cyber libel

DINIDINIG na sa Quezon City Prosecutor’s Office ang kasong cyber libel na isinampa laban sa veteran showbiz columnist at host na si Cristy Fermin ng ina ina ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati.

Mismong si Cristy ang nag-anunsyo na kasama niya sa asunto ang mga “Showbiz Now Na” co-host na sina Wendell Alvarez at Romel Chika.

“Kami na po ang kukumpirma. Kami pong tatlo ang kinasuhan ng cyber libel at hindi na po kami magdedetalye kasi ang mga abogado po namin ang nakakaalam ng mga detalyeng ito,” ani Cristy sa latest episode ng “SNN.”

“Kami po ‘yun (at) huwag na po kayong manghula na baka may isinampa kay Richard Gutierrez, kami po ang sinampahan nila ng kasong cyber libel,” dagdag niya.

Ani Cristy, nagkita na sila ni Gng. Lahbati sa preliminary investigation ng kaso.

“Nagkaharap na po kami ng minsan ni Aling Esther at naging mayos po ang aming pagkikita sa piskalya ng Quezon City,” paliwanag niya.

Bumilib naman si Cristy kay Gng. Lahbati nang pumayag ito sa request niya na ilipat ang araw ng susunod na pagdinig dahil may programa siya sa araw na iyon.

“Marespeto at nakakatunaw at ang ganda-ganda kasi ng ating pagduduop,” sambit ni ‘Nay Cristy.

Samantala, pinasalamatan ni Cristy sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez, mga magulang ni Richard na manugang ni Gng. Lahbati, dahil sila iniwan ng mga ito sa ere.