‘Butter’ ng BTS balik top 1 sa Billboard Hot 100

AYAW talagang paawat ang phenomenal Korean boy group na BTS matapos makabalik ang latest single nito na “Butter” sa top one ng Billboard Hot 100.

Sa datos na inilabas na MRC, nakabenta ng 115,600 kopya ang nasabing single at 30.7 milyon lang naman ang airplay audience impressions na nakuha nito habang 8.8 milyon naman ang US streams na huling naitala nitong Hulyo 22.

Bago pa ito, nag-number one ang “Butter” nang pitong magkakasunod na linggo bago ito naungusan ng “Permission to Dance” na mula rin sa nasabing grupo.

Dahil dito, tie na ng “Butter” ang “Driver’s License” ni Olivia Rodrigo as longest-charting No.1 hit ngayong taon.