Buto sa balikat ni Paulo nalinsag

NA-DISLOCATE ang balikat ng aktor na si Paulo Avelino habang nagwo-workout kamakailan.

Ipinost ng aktor sa kanyang Instagram story ang clip ng pagbubuhat niya ng weights na nagresulta sa insidente.

“Huling sandali bago mag sakuna. Dislocated my shoulder attempting my PR (personal record) for power snatches,” caption niya.

Sa kasalukuyan ay nasa mabuti nang kalagayan si Paulo makaraang ibalik sa dating posisyon ang kanyang balikat sa Makati Medical Center.

“I’m all good now,” aniya. Matatandaan na nagtamo rin ng dislocated shoulder si Paulo nang maaksidente siya sa motorsiklo sa isang motoring event noong 2019.