Bea Alonzo feeling super mega star of all season puro wrinkles naman–Lolit Solis

PARA hindi makita ang kinamumuhian niyang si Bea Alonzo, hindi dadalo sa anniversary party ng broadcast giant ba GMA-7 ang veteran showbiz columnist na si Lolit Solis.

Sa Instagram, muli na namang nag-rant si Lolis laban sa premyadong aktres.

“Anniversary ng GMA7. Invited tayo…pero naisip ko, baka i request ni Bea Alonzo na i-cancel tayo dahil feeling niya siya ang bagong reyna ng GMA7,” sey ni Lolit.

“Balak pa yatang agawin ang korona ni Marian Rivera, at unahan si Heart Evangelista. Baka mag power play at sabihin hindi siya pupunta kung nanduon tayo,” dagdag niya.

Para hindi na umano ma-stress si Bea, sinabi ni Lolit na hindi siya dadalo sa event.

“Kaya ngayon pa lang Bea Alonzo gusto kong malaman mo na hindi ako pupunta kaya punta ka na,” sey ng show biz writer.

Pero, gaya nang dati may patutsada ito sa aktres.

“Maaga pa make up para matakpan mga wrinkles, at gandahan ang outfit para hindi magmukhang Tita ng mga young stars, at please, 8 ng gabi ang party baka dumating ka ng 12 ng midnight konti na lang ang tao at hindi ka maka aura, hah hah hah,” ani Lolit.

“Feeling super mega star of all season, tignan muna mga wrinkles, at tignan ang level ng career bago mag feeling superstar. Sayang ang fading beauty kung maganda lang face pero ang puso ay kulay itim.Akala pa naman namin, sweet ang face, kaya sweet din ang ugali. Puwede palang sweet and sour ang isang tao. Sayang, akala namin dahil mabait si Bea Binene, ganuon lahat ng Bea, mali pala kami,” dagdag niya.