Bakla hanggang pang-mayor, vice mayor lang – Mark Anthony Fernandez

HINDI papayag ang aktor na si Mark Anthony Fernandez na magkaroon ng baklang presidente ang Pilipinas.

Sa virtual presscon ng kanyang pelikula, ipinagdiinan ni Mark na hanggang sa mayor at vice mayor na posisyon lang nababagay ang mga bakla.

“Hindi ako papayag (na magkaroon ng bading na pangulo ang Pilipinas)” aniya.

“Mayor, puwede. Vice mayor, puwede. Pero to lead the army, the police, ako hindi (pabor) bilang botante,” dagdag niya.

Inihalimbawa niya si Teri Onor, ang dating gay comedian na ex-vice mayor ng Abucay, Bataan na muling kakandidato para sa nasabing posisyon.

“Love na love ko ‘yan, pero kung tatakbo siyang presidente, pang-mayor ka lang,” giit pa ni Mark.

Klinaro naman ni Mark na hindi siya homophobic at wala siyang masamang tinapay sa mga ito.