AJ Raval: Wala akong kinalaman sa isyu ni Vanessa, di kami close

HUGAS-KAMAY ang kontrobersyal na aktres na si AJ Raval sa kinasasangkutan na isyu ng kapatid na si Vanessa.

Sa Facebook, nakiusap si AJ sa kapatid na huwag nang idamay ang kanilang pamilya sa mga gawa-gawa nitong akusasyon laban sa isang rapper.

“Please stop dragging my name in this issue that I have nothing to do with. Especially my father na umaako ng pressure dahil sa name na dala ni Vanessa. We may share the ‘Raval’ name, pero hindi ko siya nakasamang lumaki. Hindi rin kami close,” paliwanag ni AJ.

“We are very civil ‘pag nagkikita at times. But there is nothing special about it, dahil mas close ako sa mga kapatid ko sa nakalakihan kong mother (Holiday), yung mga brother and sister ko sa kanya ang nakasama ko lumaki and not with Vanessa,” dagdag niya.

Kaugnay nito, humingi ng paumanhin si AJ sa hiphop community na nadamay sa pagsisinungaling ni Vanessa.

“We are utterly affected about the circulating issue kahit wala kaming kinalaman. Again, we have nothing to do with it. Labas kaming lahat sa issues ni Vanessa. Ganoon din sa akin. Labas din po lahat ng family members sa bawat issue na dumadating sa akin. Ako na po himihingi ng pasensya sa lahat ng naapektuhan at na damage lalo na sa HipHop industry,” aniya.

Matatandaan na nag-viral ang post ni Vanessa kaugnay sa “pangit” na rapper na gusto umano siyang i-date.

Kinalaunan ay inamin niya na “scripted” ang post niya.

“Scripted lahat! Pinlano gumawa ng kwento. Sumugal lang sa mga taong mahal ko sa buhay. Pero bandang huli talo. PATAWAD SA LAHAT,” sabi ni Vanessa sa Facebook.