SK chairman tiklo sa droga

SHOOT sa kulungan ang Sangguniang Kabataan chairman makaraang madakip sa buy-bust operation sa Malita, Davao Occidental.


Nasakote ang suspek, 22, SK chairman ng Brgy. Fishing Village, nitong Biyernes ng tanghali.


Nakuha sa suspek ang pitong sachet ng hinihinalang shabu at isang kalibre- .38 revolver.


Ayon sa pulisya, isa ang suspek sa mga notoryus na tulak sa Malita.


Sasampahan siya ng drug pushing at illegal possession of firearms.