Pupil inireklamo ‘terror’ na teacher

INIREKLAMO sa pulisya ang guro na pinagalitan umano ang Grade 4 pupil ng Jalas Elementary School sa Aklan.

Ayon sa tiyuhin ng bata, na-trauma ang pamangkin sa mga sinabi ng guro kaya ayaw na nitong pumasok sa paaralan.

Hindi naman binanggit ng tiyo ang sinabi ng guro.

Maliban doon, binigyan lamang ng teacher ang pupil ng 15 minuto upang kainin ang baon nito.

Nahaharap ang guro, na sadyang hindi pinangalanan ng PUBLIKO, sa reklamong paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Nakatakda namang magharap-harap ang tiyuhin, ang guro at ang school principal sa tanggapan ng Department of Education-Aklan.