Piloto patay sa crash, student kritikal

NASAWI ang piloto habang malubhang nasugatan ang kasama niyang student pilot nang bumagsak ang kanilang eroplano sa Alaminos, Pangasinan, Miyerkules ng umaga.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga biktima na ayon sa ulat ay sakay ng isang two-seater training fixed wing plane.

Bumagsak ang eroplano alas-9:30 ng umaga sa isang palaisdaan sa Brgy. Telbang.

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang sanhi ng crash.