P408M shabu nasamsam sa Pampanga

MAHIGIT P408 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng pulisya sa isang operasyon sa San Fernando City, Pampanga, nitong Huwebes.

Sa buy-bust operation na isinagawa ng mga pinagsanib na pwersa ng iba’t ibang ahensiya ng PNP, naaresto rin ang suspek na si Hernanin Cosumo, 31, at residente ng L12 Kingstown One Subdivision, barangay Bagumbong, Caloocan City.

Isinagawa ang operasyon alas-2 ng hapon sa harap ng Mega Station sa NLEX KM 62, sa barangay Felipe, San Fernando City.

Nakuha mula sa suspek ang mahigit 60 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P408 milyon, mark money, cellular phone, Starex van na may plakang YFU655, at iba’t ibang mga dokumento.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at ngayon ay nakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City at nahaharap sa kasong illegal drugs. – John Roson