Ex-convict nag-budots grinipuhan, todas

PINATAY sa saksak ang isa umanong ex-convict na tumangging hinaan ang tugtog habang nagsasayaw ng “budots” sa Liloan, Cebu kamakailan.

Dead on the spot ang biktimang si Mark Impas, 37, ng Brgy. San Vicente, dahil sa tinamong saksak sa katawan.

Agad namang sumuko ang suspek na si Michael Carreon, 36, makaraan ang insidente.

Ayon sa ulat, sumasayaw si Impas ng “budots” sa bahay ng dating asawa sa Purok Red Rose, Brgy. Yati, nang kumprontahin ito ni Carreon dahil sa lakas ng tugtog.

Pero imbes na hinaan ang sound, nagalit ang nakainom na si Impas at pinagbantaan umano si Carreon.

Hindi naman ito pinalagpas ng suspek na bumunot ng patalim at tinarakan ang biktima.

Napag-alaman na nagtungo sa lugar ang biktima para bisitahin ang tatlong anak.