Casino sa Boracay kinontra

TUTOL ang ilang mga residente at negosyante sa desisyon ng Palasyo na payagan na ang operasyon ng mga casino sa Boracay island.

Giit ng ilan bakit hindi bigyan ng pansin ng pamahalaan ang hinaing ng marami sa isla na nagdurusa dahil sa tuloy-tuloy pa ring restriksyon dahil sa banta ng coronavirus disease, gaya nang pagpapaigting ng vaccination program.

Imbes anila na asikasuhin ang pagbubukas ng casino, bakit hindi asikasuhing mabuti ang pagpapabakuna ng lahat sa isla para tuluyang maibukas ang isla sa mga turista, lalo na sa mga foreigners.

Pinayagan ng Palasyo ang operasyon ng mga casino sa isla nitong Biyernes para makadagdag ng pondo na gagamitin ng bansa panlaban sa pandemya.