Angel Locsin’s revelation: Insecure kay Solenn Heussaff

INAMIN ng aktres na si Angel Locsin na may “insecurities” siya noon sa mga audition. At ito ay dahil sa seksing aktres na si Solenn Heussaff.

Ayon sa aktres, may panahon na nagba-backout na lang siya sa mga auditions kapag ang kasabayan niya ay si Solenn. At alam niya anya na hindi siya ang matatanggap kapag nandon ang aktres.

“‘Solenn, alam mo ba dati pag pumupunta tayo sa audition, umuuwi na lang ako kasi alam kong hindi ako makukuha?’ Hindi niya ako natatandaan!” kwento ng asawa ni ng businessman na si Neil Arce.

“Nagko-commute ako simula Caloocan papuntang Makati. So, nakailang bus ako, ‘tapos mag-e-MRT pa ‘ko. So, pawis ka na, haggard pa.”

“Tapos papasok si Solenn, galing kotse. Ang ganda-ganda ni Solenn talaga! Alam mo yung gusto ko na lang umuwi kasi alam mong hindi ka makukuha, yung ganu’n,” kwento pa ng aktres.

Dagdag pa niya, raketera siya noon para matustusan ang pampa-opera ng ama.

“Naghahanap ako ng way para maka-contribute sa bahay. So, isa akong batang raketera,” kwento ni Angel.

Hindi rin aniya balak ni Angel na tumagal sa showbiz pero dahil na-challenge siya sa mga nambubully sa kanya sa industriya kaya’t pinatunayan niyang kaya niya hanggang mapansin umano siya ng magagaling na direktor.